^

Metro

Anti-riot police,ginawang tourist cops

-
Pormal na nagbagong-bihis na ngayon ang mga kinatatakutang anti-riot police matapos na tanggalin na sa kanila ang kanilang mga batuta at kalasag upang maging mga bagong tourist cop na magbabantay sa seguridad ng mga dayuhang namamasyal sa Metro Manila.

Pormal na pinirmahan kahapon nina NCRPO chief Director Ricardo de Leon at Tourism Secretary Roberto Pagdanganan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa programang TOP-COP (Tourist Oriented Police- Community Oriented Police) sa WOW Philippines sa Intramuros, Maynila.

May 1,000 pulis buhat sa NCRPO-Civil Disturbance Management Unit ang nanumpa kahapon upang maging unang batch na bubuo sa mga tourist police.

Ayon naman kay Pagdanganan, isang malaking tulong sa industriya ng turismo ang naturang programa upang mas higit pang makahatak ng mga turista ang bansa.

Pinag-aaralan din ngayon ni Pagdanganan kung ipapakalat pa ang naturang programa sa buong bansa partikular na sa mga lugar na malakas ang hatak ng turismo. (Ulat ni Danilo Garcia)

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

COMMUNITY ORIENTED POLICE

DANILO GARCIA

DIRECTOR RICARDO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

METRO MANILA

PAGDANGANAN

PORMAL

TOURISM SECRETARY ROBERTO PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with