Obrero pinatay dahil sa masamang tingin
July 5, 2004 | 12:00am
Bunga ng masamang tingin, isang 34 anyos na lalaki ang pinagtulungang saksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect kahapon ng umaga sa Quezon City.
Tatlong tama ng saksak sa katawan ang ikinamatay ng biktima na nakilalang si Elmer Aurelio, stay-in construction worker sa Christ the Living Fellowship sa panulukan ng Sct. Albano St. at Quezon Ave. sa Q.C.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa Mother Ignacia St. sa harap ng Camelot Hotel.
Nakasalubong ng biktima ang dalawang suspect nang biglang komprontahin ng huli ang una dahil na rin sa masamang tingin nito.
Nagpalitan ng maaanghang na salita ang biktima at mga suspect hanggang sa bumunot ang huli ng patalim at sinaksak ng tatlong ulit ang una at saka mabilis na tumakas.
Gayunman, nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung kilala ng biktima ang mga suspect at malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended