Ayon kay Lina, kailangan masugpo ang pagkalat ng droga upang unti-unting mabawasan ang krimen sa bansa na kadalasang kinasasangkutan ng mga prominenteng tao.
Sinabi ni Lina na dapat na ituloy ni Reyes ang kanilang mga pagsalakay sa mga shabu laboratory na responsable sa paggawa ng mga droga na kumakalat sa bansa.
Hindi rin umano dapat na magpadaig si Reyes sa impluwensiya ng mga pinaniniwalaang drug lords.
Kaugnay nito, pinatututukan din ni Lina kay Reyes ang illegal gambling sa bansa partikular na sa region 3 at 4.
Bagamat bahagya niyang nasugpo ang illegal gambling aminado si Lina na nananatiling talamak ang sugal tulad ng jueteng sa ilang lalawigan sa bansa.
Samantala, pinayuhan din ni Lina ang mga pulis sa ibat ibang bansa na makipagtulungan sa dating hepe ng NAKTAF upang madaling malinis ang hanay ng pulisya at tuluyang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.
Kailangan ding doblehin ang pagiging kamay na bakal ni Reyes laban sa mga scalawag na pulis upang mabago ang imahe ng mga ito sa publiko. (Ulat ni Doris Franche)