Preso dedo sa tindi ng init
July 5, 2004 | 12:00am
Dala ng matinding init at sobrang sikip ng kulungan, isang preso ang namatay kamakalawa ng hapon sa Quezon City Jail.
Dead on arrival sa Quirino Memorial and Medical Center ang biktimang si Benjamin Medina matapos na sumailalim sa pagsusuri.
Batay sa ulat ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) dakong alas-11:05 ng gabi nang makaramdam ng paninikip sa paghinga ang biktima sanhi na rin ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
Ayon sa ilang preso, napansin nila na tila may dinaramdam ang biktima at sinabi nito na hindi niya kaya ang matinding init na nararamdaman.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay bigla na lamang napahiga ang biktima hanggang sa tuluyan nang manikip ang dibdib nito.
Si Medina ay nakakulong sa QCJ sa kasong frustrated parricide matapos nitong saksakin ang kanyang asawa habang nag-aaway.
Ayon kay QC Jail Warden Supt. Gilbert Marpuri, inaasikaso na nila ang pagpapalaki ng jail upang mabawasan ang pagsisiksikan ng mga preso subalit, kailangan pa rin ang rekomendasyon ng city government. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended