2 pulis,2 sibilyan hanap sa salvage
July 4, 2004 | 12:00am
Pinaghahanap ang dalawang pulis at dalawang civilian asset na itinuturong may kagagawan sa pagdukot at pagpaslang sa dalawang kalalakihan na kinatay na parang baboy noong nakalipas na Hunyo 4 sa Caloocan City.
Nakilala ang dalawang pulis sa alyas na Rey at Ambeth. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang civilian asset na kasabwat ng mga ito sa krimen.
Ang mga suspect ay sinasabing sangkot sa pagdukot at pagsalvage sa dalawang biktimang sina Michael Villaver, 35, negosyante at Christian Rodriguez, 25, kapwa residente ng Carissa Homes, Brgy. Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan.
Matatandaan na noong Hunyo 4 ng kasalukuyang taon dakong alas-5 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa kahabaan ng Congressional Model House na matatagpuan sa Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.
Nakita ang dalawang biktima na nakatali ang mga paa at kamay at may mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Noong Hunyo 5 lumutang sa pulisya si Geraldine Villaver, 32, asawa ng nasawing si Michael kung saan inireport nito ang pagkadukot sa kanyang asawa at isa nilang kapitbahay.
Sinabi pa nito na nagpakilalang pulis ang dalawa sa apat na lalaking kumuha sa kanyang mister na sapilitang isinakay kasama ang kapitbahay nilang si Rodriguez sa isang owner type jeep.
Sinamahan ng mga awtoridad si Geraldine sa Ma. Victoria Funeral Homes na doon dinala ang dalawang biktima at doon nga positibong kinilala nito ang kanyang asawa at kapitbahay.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng pulisya sa lugar na pinagtataguan ng mga suspect na kilala na ng kanyang mga kabaro. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest