Ex-Malabon Chief of Police todas sa ambush
July 4, 2004 | 12:00am
Nagkabutas-butas ang katawan ng isang retiradong colonel at dating hepe ng pulisya sa Malabon matapos itong tambangan ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa mukha at katawan si Ret. Col. Dante Buenaventura, 62, ng R. Diaz St. Merville Subdivision, Brgy. Dampalit ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa tatlong suspect na mabilis na tumakas matapos ang ginawang pananambang.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.
Ayon sa salaysay ng saksing si Danilo Villedo, 50, kapitbahay ng biktima, nakita niya si Buenaventura na naglalakad pauwi nang bigla na lamang salubungin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na pawang nakasuot ng itim na bonnet.
Sa salaysay pa nito sa pulisya, halos magkakasabay na nagsibunot ng baril ang tatlong suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na humandusay sa lupa.
Bago tuluyang tumakas siniguro pa ng mga suspect na patay na ang biktima bago nagpulasan sa magkakahiwalay na lugar at naglakad lamang na animoy walang nangyari.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspect at inaalam din kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pamamaslang. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am