^

Metro

P 5 dagdag sa flag down rate ng mga taxi,hiling

-
Limang pisong dagdag sa flag down rate ang igigiit ng Alliance of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) para sa mga taxi na bumibiyahe sa kalakhang Maynila.

Ito ang sinabi kahapon ni Leonora Naval, pangulo ng ATOMM na ilalapit nila sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) matapos na mapagkasunduan ng kanilang hanay.

Mangangahulugan ito na magiging P30.00 ang flag down rate sa taxi sa Metro Manila kung maaprubahan ang limang pisong kanilang hiling.

Binigyang diin ng ATOMM na kahit na magkaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, hindi nito maiibsan ang epektong dinulot sa kanila ng serye ng taas ng presyo ng gasolina kamakailan.

Noon pa umanong taong 2000 huling nagkaroon ng pagtaas sa flag down rate ng mga taxi at hindi na nasundan pa, gayung nakailang taas na ang presyo ng gasolina. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALLIANCE OF TAXI OPERATORS

ANGIE

BINIGYANG

CRUZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LEONORA NAVAL

LIMANG

MANGANGAHULUGAN

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with