^

Metro

Nabitawan daw ng nobyo: Coed hulog sa 5th floor ng condo,dedo

-
Nasawi ang isang 22-anyos na estudyante ng Phil. Women’s University (PWU) makaraang mabitiwan ng kanyang nobyo habang pinipigilan nito ang una sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalimang palapag ng isang condominium, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang biktimang si Ruby Petingco, ng San Jacinto St. sa panulukan ng J.B. Roxas ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kinilala naman ang nobyo nito na si Mugahid Magoub, 26, isang Sudanist national at nanunuluyan sa Unit 506, 5th Floor Promac Condominium, Brgy. San Isidro, Makati City.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Lewelie Cristobal ng homicide section ng Makati City police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa condo unit na tinutuluyan ng boyfriend ng nasawi.

Nabatid na sampung araw pa lamang nanunuluyan ang naturang dayuhan sa Unit 506 ng nabanggit na condominium kung saan ang dalaga naman ay may apat na araw nang nasa kanyang nobyo.

Nabatid na bago ang insidente ay nag-away ang dalawa dahil sa matinding selos ng nasawi makaraang makatanggap ng balitang nanliligaw pa ang nobyo sa ibang babae.

Sa tindi ng sama ng loob ay nagtangka itong tumalon sa gusali, subalit pinipigilan ito ng nobyo, gayunman, nabitawan umano ni Magoub sa pagkakakapit sa kamay nito hanggang sa tuluyang mahulog. Agad niya itong isinugod sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matiyak kung walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Petingco. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

FLOOR PROMAC CONDOMINIUM

LEWELIE CRISTOBAL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MUGAHID MAGOUB

NABATID

RUBY PETINGCO

SAN ISIDRO

SAN JACINTO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with