^

Metro

Kasong rebelyon isinampa sa ex-colonel na nagpatanim ng mga bomba sa MM

-
Sinampahan na ng kasong rebelyon ng DOJ sa Quezon City RTC ang umanoy utak sa tangkang mga pagpapasabog sa Metro Manila bunsod na rin sa planong destabilisasyon sa pamahalaang Arroyo.

Sa 12 pahinang resolution ni State Prosecutor Emmanuel Velasco, kasong rebelyon ang isinampa laban kay dating P/Colonel Roberto Camarista; Dante Fuentes; Antonio Mercader; Rolly Pillado; Benjamin Sim at iba pang akusado.

Ang grupo ni Camarista ang siya umanong nasa likod ng mga pagtatanim ng bomba sa Metro Manila. Si Camarista ay sumuko sa mga awtoridad sa pagitan noong Hunyo 26 at 27 subalit sa preliminary inquest ng DOJ sinabi nito sa kanyang testimonya na inatasan lamang siya upang isagawa ang operasyon para pabagsakin ang kasalukuyang gobyerno.

Idinawit din nito si Linda Montayre at Sim sa planong pag-antala sa proklamasyon ni Pangulong Arroyo. Kasama din sa orihinal na plano ang asasinasyon kay House Speaker Jose de Venecia sa pamamagitan ng paggamit ng rocket propelled grenade (RPG).

Nagbago lamang ang plano dahil sa wala umanong marunong gumamit ng RPG kaya’t kanilang napagpasyahan na bombahin na lamang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, gayunman naagapan ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANTONIO MERCADER

BENJAMIN SIM

COLONEL ROBERTO CAMARISTA

DANTE FUENTES

GEMMA AMARGO

HOUSE SPEAKER JOSE

LINDA MONTAYRE

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with