^

Metro

Pagkuha ng confidential agents ng NBI pinahihigpitan

-
Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na higpitan ang pagtanggap ng aplikasyon para mga nagnanais na maging confidential agent ng naturang ahensiya.

Ginawa ni Acting Justice Secretary Merceditas Gutierrez ang kautusan upang linawin na walang negosyante o oportunista na magiging confidential agent ng NBI para lamang protektahan ang kanilang personal na interes.

Iginiit pa ni Guiterrez na kakausapin niya si NBI director Reynaldo Wycoco na siguruhing malilinis ang ahensiya at walang makapapasok na maruming ahente.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang DOJ na mayroon ilang mayayamang negosyante ang nag-a-apply para maging confidential agent ng NBI para sa kanilang sariling kapakanan. Madalas pa rin umano na ito ay kanilang ipinagyayabang.

Sinasabing nagbabayad din umano ang mga negosyante sa mga opisyal sa NBI para lamang makakuha ng ID bilang confidential agent, madalas din umanong ito ang pinagkakakitaan ng mga opisyal sa NBI. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ACTING JUSTICE SECRETARY MERCEDITAS GUTIERREZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

GINAWA

GUITERREZ

IGINIIT

INATASAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with