3 paslit na anak,tinuruan ng ina na magnakaw,arestado
June 30, 2004 | 12:00am
Ikinulong ng awtoridad ang isang ina matapos na ituro ng kanyang tatlong maliliit na anak na nag-utos sa kanila para mang-snatch nang sila ay maaresto kamakalawa sa Tondo,Maynila.
Ang ina ng bata na may edad na 3,5, at 6 ay itinago sa pangalang Aling Nena,35 anyos para maproteksyunan ang kanyang mga anak.
Nabatid na unang nabiktima ng mga bata si Raquel Isagan matapos na matangay ng mga ito ang kanyang bag na naglalaman ng mga pera habang namimili sa Divisoria.
Isinunod na nabiktima ay si Nenita Yap,subalit hindi na umubra ang mga bata matapos na ito ay masukol ng mga humabol na tambay sa nasabing lugar.
Nang tanungin ng mga bata kung sino ang nag-utos sa kanila para magnakaw ay itinuro nila ang kanilang nanay.
Umamin naman ang ina na siya ang nag-utos sa kanyang tatlong anak matapos na ito ay arestuhin at ibinalik sa mga biktima ang natangay sa kanila ng mga suspek.
Ayon sa ina,kaya nagawa niya ang pag-utos na magnakaw sa kanyang mga anak ay dahil sa wala silang pagkain at pampaaral.
Kasalukuyang nakadetine at ang ina at inihahanda ang kaukulang kaso habang ang mga anak nito ay ibinigay sa pangangalaga ng DSWD.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended