2 sinalvage sa QC
June 29, 2004 | 12:00am
Isang lalake at isang babae na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang tadtad ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan at ulo, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang mga biktima na sina Ronald San Jose, 39, pintor at residente ng 594 Marides St., Quirino Hi-way, Bagbag, Novaliches, habang ang bebot na nasawi ay nakilala lamang sa pangalang Susan.
Si San Jose ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa pisngi, tainga at dibdib, habang sa mukha naman ang tinamong tama ng babae.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw ng matagpuan ng BSDO na si Rosalindo Maico ang dalawang duguang biktima sa nabanggit na lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen para alamin kung ano ang motibo sa pagpaslang, bagamat sinasabing isang Muslim umano ang siyang responsable sa pagpaslang sa dalawa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended