^

Metro

3,000 uwang tinangkang ilabas sa bansa

-
May 3,000 pirasong giant beetle o ‘uwang’ ang pinigil ng mga awtoridad sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong tangkang ipuslit palabas ng bansa ng isang Japanese national patungong Japan, kamakalawa ng hapon.

Si Kenji Iwamoto, ang may bitbit ng mga giant beetle na itinago nito sa kanyang hand-carried bag.

Sinabi ni Iwamoto, na ang mga uwang ay ibinebenta sa Japan sa halagang 10,000 Japanese Yen o P5,000 dahil ginagamit ito ng mga manunugal sa kanilang lugar.

Idinagdag pa nito, na ang istilo ng laro sa uwang ay katulad ng style sa mga matatapang na gagambang pinaglalaban, partikular ng mga bata sa Pilipinas.

Binanggit pa nito na hindi biro ang pustahan sa sugal na uwang sa Japan kahit na nga ipinagbabawal ito ng kanilang pamahalaan.

Ang mga uwang ay kinumpiska ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group. (Ulat ni Butch Quejada)

AVIATION SECURITY GROUP

BINANGGIT

BUTCH QUEJADA

IDINAGDAG

IWAMOTO

JAPANESE YEN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

SI KENJI IWAMOTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with