FX taxi driver patay sa holdap
June 27, 2004 | 12:00am
Isang FX taxi driver ang nasawi makaraang barilin ng limang holdaper na nagpanggap na mga pasahero makaraang manlaban ang una, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na si Rafael Redona, 34, ng Unit 7 Blk. 2 Lot 2 Socialized Housing, Project 3, Quezon City.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya dakong alas-7:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Fairlane St., Brgy. West Fairview, Quezon City.
Nabatid na sakay ang biktima sa kanyang FX taxi na may rutang Commonwealth Avenue- MRT ng sumakay ang mga suspect.
Pagdating sa may Fairlane St. ay nag-anunsiyo ng holdap ang mga suspect at maging ang ibang pasahero ay kinunan ng mahahalagang gamit. Gayunman, tumanggi si Redona na ibigay ang kanyang kinita kaya agad siyang binaril ng mga suspect.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended