Misis pinatay ng ka-live-in
June 27, 2004 | 12:00am
Basag ang ulo at may bakas na nginatngat pa ng daga ang tainga ng isang misis nang matagpuan kahapon ng tanghali makaraang patayin ng kanyang adik na live-in partner, sa Caloocan City.
Nangingitim na nang matagpuan sanhi ng pagkabasag ng bungo at sugat sa tenga at paa si Irene Isap, 37, ng Block 8-H , Lot 13, Phase 3-C, Talakitok St. Dagat-Dagatan Caloocan City.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Reynante Pagmanuha, construction worker, ka-live-in ng biktima at dalawa pa nitong kasamang lalaki na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito ng kanyang pamangkin na si Nicole Isap, 6.
Bago ang insidente, sinasabing nakipag-inuman ang suspect sa dalawang kasama nito sa loob mismo ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon at nang malasing ay nagpupumilit ito na ibenta ang component na pag-aari ng nasawi.
Pinagbawalan umano ng biktima ang suspect dahil sa marami na itong naibentang kasangkapan dahil lamang sa bisyo nito na pagsa-shabu.
Dahil dito, nag-away ang dalawa sa loob ng kanilang kuwarto hanggang sa iwanan ng suspect na wala nang buhay ang biktima at tinangay pa rin ang component nito at ibinenta.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay nagkaroon ng sugat sa likurang bahagi ng ulo bukod pa sa nakitang mga pasa at sugat sa katawan. May malaking sugat din ito sa tenga na pinaniniwalaang pinapak ng daga.
Patuloy ang isinasagawang manhunt operation sa suspect na si Pagmanuha pati na rin sa dalawang kasama nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended