^

Metro

Kaso ni Jaworski vs Yap di umuusad

-
Hindi malayong magmukhang inutil ang Philippine National Police (PNP) kung walang kasong maisasampa o basta na lamang madi-dismiss ang kaso sa naganap na shootout sa pagitan ng anak ni Sen. Robert Jaworski at sa binatilyong anak ng isang mayamang negosyanteng Filipino-Chinese sa Mandaluyong City kamakailan.

Ito’y sa gitna ng paglutang na posibleng may ‘third party’ na sangkot sa barilan.

Aminado si PNP spokesman P/Chief Supt. Joel Goltiao na posibleng mabalewala ang kaso kung patuloy na magmamatigas ang dalawang panig na magbigay ng kani-kanilang statement at walang lulutang na testigo sa kaso.

Nabatid na wala pang nakukuhang statement o complaint ang Mandaluyong City Police sa pagitan ng pamilya ni Angelo Elton Yap, 14, at sa anak ng senador na si Ryan Joseph Jaworski, 31.

Napag-alaman pa kay Goltiao na umapela na ang Mandaluyong City Police sa dalawang pamilya upang magsumite ng kani-kanilang sinumpaang salaysay.

"Kailangan kasi iyong kani-kanilang statement para sa litigation, maganda ang takbo kaysa sa ma-dismiss ang kaso," ani Goltiao.

Subalit nilinaw nito na hindi naman basta-basta maliit na kaso lamang ang ihahain nila tulad ng ‘destruction of property’ o ‘alarm and scandal’ lamang kailangang unahin yaong mas malaking kaso tulad ng frustrated murder o serious physical injuries.

Kaugnay nito, nakahanda naman umano ang pamilya Yap na isailalim ang kanilang anak sa paraffin test.

Sinabi ng ina ni Yap na handa siyang isailalim ang anak sa paraffin test at iba pang pagsusuri para patunayan na hindi nagpaputok ng baril ang binatilyo. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO ELTON YAP

CHIEF SUPT

GOLTIAO

JOEL GOLTIAO

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ROBERT JAWORSKI

RYAN JOSEPH JAWORSKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with