^

Metro

P 40 flag down rate sa taxi,ibinasura

-
Ibinasura ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) para gawing P40 ang flag down rate ng mga nagbibiyaheng taxi sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni LTFRB board member Felix Racadio, tinanggihan nilang aksiyunan ang petisyon ng ATOMM na maitaas ang flag down rate dahil sa technicality.

Idinagdag pa nito na ginamit ng ATOMM sa kanilang aplikasyon ang mga dokumentong nai-file nila noong 2001 fare increase petition kaya’t hindi naaksiyunan ang naturang kahilingan.

"Dapat mag-file sila ng bagong application para sa increase ng flag down rate, hindi maaaring gamitin ang copy ng flag down rate petition na nagamit na nila, paso na yun eh," dagdag pa ni Racadio.

Nagsampa ng petisyon ang ATOMM dahil sa apektado rin naman sila ng naging pagtaas ng presyo ng gasolina, mga spare parts at maintenance fee.

Sa kasalukuyan ang flag down rate ng taxi ay P25.00. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ASSOCIATION OF TAXI OPERATORS

CRUZ

DAPAT

FELIX RACADIO

IBINASURA

IDINAGDAG

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with