Holdaper patay sa parak
June 24, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang kilabot na holdaper nang mabaril siya ng isang beteranong pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampasadang jeep, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.
Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at sa noo ang suspect na nakilalang si Joel Perez, residente ng Tondo, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa harap ng Planetarium sa Rizal Park sa kahabaan ng J.P. Laurel St. Ermita, Maynila.
Ayon sa isa sa mga biktima na si Grace Dungo, habang binabagtas ng sinasakyan nilang jeep ang naturang lugar patungong Quiapo ay nagdeklara ng holdap ang suspect na armado ng patalim.
Tinarget ng suspect ang mga cellphone ng mga pasahero at hindi na pinagtuunan ng pansin na tangayin ang mga wallet at alahas ng mga ito. Nang makalabas ng jeep, nagkanya-kanya rin ng pulasan ang mga pasahero at humingi ng tulong.
Tiyempo namang nagsasagawa ng foot patrol ang pulis na si SPO4 Rolly Alberto na siyang humabol sa suspect.
Nang makorner, ilang ulit nitong inundayan ng saksak ang pulis at dahil dito, napilitan ang pulis na paputukan ang suspect na naging sanhi ng kamatayan nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended