1 pang holdaper/killer ng pari,sumuko

Matapos din umanong bagabagin ng konsensiya, sumuko na rin sa mga awtoridad kahapon ang isa pang suspect sa panghoholdap at pagpaslang sa isang pari sa Navotas may isang linggo na ang nakakalipas.

Kasama ang kanyang mga kaanak sumuko sa pulisya ang suspect na si Ronaldo Francisco, alyas Onad, 20, miyembro ng "Sputnik Gang".

Nabatid na unang nagtago ito sa Bataan matapos na holdapin at mapatay si Rev. Romy Azusano.

Matatandaan na unang naaresto ng pulisya ang kasamang suspect na si Roger Malinao sa pinagtaguan nito sa Silang, Cavite ilang araw matapos ang nasabing insidente.

Sa salaysay ng dalawang suspect hindi nila inakala na pari ang kanilang naging biktima.

Ang biktima ay sinasabing nanlaban sa mga suspect kung kaya ito tinarakan ng saksak sa katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments