Anak ni Jawo sugatan sa shootout
June 23, 2004 | 12:00am
Sugatan ang anak ni Sen. Robert Jaworski Sr. makaraang magmistulang war zone ang parking lot sa isang Japanese Restaurant nang masangkot sa rambol ang grupo nito sa grupo ng isang 14-anyos na anak ng isang mayamang negosyante, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Si Ryan Joseph Jaworski, 30, ng 25 Manansala St., Corinthian Garden, Quezon City ay nakaratay ngayon sa Cardinal Santos Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa magkabilang hita.
Nakaengkuwentro ng grupo nito ang grupo ni Anjelo Elton Yap, anak ni Tony Yap, ng Mega Pacific Consortium Inc., estudyante at residente ng 19 King Fisher St. Green Meadows Subdivision sa Quezon City.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa parking lot ng Saisaki Restaurant na matatagpuan sa Florida St., East Greenhills sa Mandaluyong City nang sumugod umano ang batang Yap kasama ang nakababatang kapatid at 12 armadong bodyguards makaraang hamunin umano ng batang Jaworski sa pamamagitan ng text messages.
Nang dumating ang grupo ni Yap sakay ng limang sasakyan sa nasabing restaurant ay pinaputukan agad ng grupo ni Ryan dahilan upang gumanti ng putok ng baril ang kabilang grupo.
Matapos ang putukan sugatang nakita si Ryan, samantalang aabot sa sampung mga sasakyan na nakaparada sa parking lot ang nagkabutas-butas nang tamaan ng nagliparang bala.
Narekober ng SOCO Team ng Mandaluyong police ang mahigit sa 60 basyo ng bala mula sa ibat-ibang kalibre ng baril.
Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagsasampa ng kaukulang kaso ang magkabilang panig at hindi pa rin nakukuhanan ng pahayag si Ryan sa pagamutan.
Samantala, wala ng bisa ang lisensiya ng sampu sa 11 armas na nakarehistro kay Ryan Jaworski.
Ito ang nabatid kahapon base sa isinagawang beripikasyon sa rekord ng PNP-Firearms and Records Division (PNP-FED).
Sa tala ng PNP-FED, siyam na handguns, isang shotgun at isa pang mataas na kalibre ng baril ang nakalista sa pangalan ni Ryan Jaworski. (Ulat nina Edwin Balasa at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am