Pagpatay sa DI malulutas na -CPD-CIU

Tiniyak ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang kaso ng pamamaslang sa isang bading na dance instructor kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Ayon kay CPD-CIU chief Supt. Popoy Lipana, tatlong suspect ang kanilang minamanmanan matapos na makitang patay si Bienvenido Balmores, 36, sa loob ng kanyang kuwarto sa Unit 32, Bldg. 5, Bliss, Brgy. Pag-asa, nabanggit na lungsod.

Aniya ang mga ito ay pawang mga callboys batay na rin sa testimonya ng hawak nilang testigo.

Tumanggi naman si Lipana na palawakin pa ang detalye ng operasyon sa pangamba na mabigo silang madakip ang mga suspect.

Matatandaan na bukod sa sakal, tinakpan din ng unan ng mga suspect ang mukha ni Balmores at iniwang patay sa kanyang kuwarto.

Ito ang ika-anim na bakla na pinatay sa lungsod bagama’t ang naunang lima ay pinatay sa saksak. (Ulat ni Doris M. Franche)

Show comments