Legal officer ng BI suspendido sa pangongotong
June 22, 2004 | 12:00am
Sinuspinde kahapon ang isang legal officer ng Bureau of Immigration matapos na ito ay sampahan ng kasong administratibo dahilan sa umanoy pangongotong nito sa apat na Saipan national na naaresto at ipinadedeport ng BI ilang buwan na ang nakakaraan,
Batay sa kautusang ipinalabas ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez, Jr., isinailalim sa 90-day suspension order si Atty. Eleuterio Balina ng BI Law and Investigation Division base na rin sa rekomendasyon ng fact-finding committee.
Kasabay nito, sinampahan din ng kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the interest of the service si Balina makaraang makakita ng prima facie evidence ang committee na humingi at tumanggap ito ng mahigit na P800,000 mula sa mga nasabing deportees kapalit ng pangakong aayusin ang kanilang kalayaan.
Gayunman, sinabi ni Fernandez na ang suspensiyon ni Balina ay preventive lamang dahil idadaan pa ito sa isang pormal na imbestigasyon na isasagawa naman ng administrative division ng BI. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am