^

Metro

4 mag-utol lunod sa ilog

-
Apat na kabataang lalaki na pawang magkakapatid ang nasawi matapos na malunod habang naliligo sa isang ilog sa tabi ng kanilang bahay sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Parañaque Community Hospital ang magkakapatid na biktima na sina David John, 8; Joseph, 7; Daniel 5; at Ralph Santos, 4, pawang nakatira sa Ilog Palanyag, Phase 2, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Sa report ng Parañaque City police, naganap ang insidente dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa tabing-ilog ng bahay ng mga biktima malapit sa SM Super Center, Brgy. San Dionisio.

Nabatid na umalis ang mga magulang ng mga biktima na sina Brenda at Pitong Santos upang bumili ng kanilang panghanda sa selebrasyon ng Father’s Day at inihabilin sa kapitbahay ang mga biktima.

Lingid sa kaalaman ng kapitbahay na naglalaro lamang ang mga biktima ngunit naisipan ng mga ito na maligo sa ilog sa tabi ng kanilang bahay.

Laking gulat ng mag-asawang Santos nang malamang lumulutang ang kanilang mga anak. Sa tulong ng mga kapitbahay at rescue team, isinugod ang magkakapatid sa pagamutan subalit hindi na naisalba ang buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

COMMUNITY HOSPITAL

DAVID JOHN

ILOG PALANYAG

LORDETH BONILLA

PITONG SANTOS

RALPH SANTOS

SAN DIONISIO

SUPER CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with