^

Metro

Estudyante tumalon sa Magallanes flyover,patay

-
Isang 23-anyos na Marine Transportation student ng Technological Institute of the Philippines (TIP) ang nasawi matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa isang flyover dahil hindi nito natupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na maka-graduate noong nakaraang semester na naganap kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Michael Cruzin, binata, nakatira sa #708 T. Anzures St., Lealtad, Manila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Lewelie Cristobal ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa flyover ng Magallanes Interchange, Brgy. Magallanes, Makati City.

Nabatid na bumaba ang biktima mula sa sinasakyan nito at ilang saglit lamang ay tumalon mula sa flyover.

Nangingisay pa ito nang damputin ng ilang taong nakasaksi sa insidente kung saan kaagad itong isinugod sa nabanggit na pagamutan. Subalit habang nilalapatan ng lunas ang biktima ay binawian ito ng buhay.

Napag-alaman sa apat na pahinang suicide note na nakuha mula sa biktima na ilan lamang sa dahilan ng pagpapakamatay nito ay ang matinding depression sa buhay kung saan nabigo nitong matupad ang pangarap ng mga magulang na makapagtapos ng pag-aaral. Dapat aniya, noong nakaraang semester ay graduate na siya. Niloko lang niya ang mga magulang dahil hindi pala siya naka-graduate at nakasaad ito sa suicide note kasama ang paghingi ng tawad.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANZURES ST.

DIOS HOSPITAL

HOMICIDE SECTION

LEWELIE CRISTOBAL

LORDETH BONILLA

MAGALLANES INTERCHANGE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARINE TRANSPORTATION

MICHAEL CRUZIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with