^

Metro

Dadalaw sa QC jail: Missionary, 1 pa tiklo sa bala

-
Dalawang dalaw na kinabibilangan ng isang umano’y missionary ang hinuli at ikinulong sa CPD-Kamuning Police Station matapos na mahulihan ng bala ng baril kahapon ng umaga sa Quezon City Jail.

Kinilala ni QC Jailwarden Supt. Gilbert Marpuri, ang mga suspect na sina Rosalinda Dilag y Manalang, 53, nagpakilalang missionary at residente ng 25 Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches, Q.C. at Renante Agustin y Cadubla, 45, ng 2584 Degula Compound, Gen. T. de Leon St. Valenzuela City. Ang mga ito ay kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya matapos na mahulihan ng bala ng .38 caliber.

Dakong alas-10 ng umaga ng magkahiwalay na magtungo sa city jail ang dalawang suspect. Sumailalim sa inspeksiyon nina JO1 Ceriaco Repdos at JO1 Sylvanna Quimson ang dalawang suspect at nakita sa bulsa ng pantalon ni Agustin at sa bag naman ni Dilag ang mga bala ng baril.

Ang mga ito ay kakasuhan ng illegal possession of ammunition sa QC Prosecutors Office (QCPO). (Ulat ni Doris M. Franche)

CERIACO REPDOS

DEGULA COMPOUND

DORIS M

GILBERT MARPURI

JAILWARDEN SUPT

KAMUNING POLICE STATION

LEON ST. VALENZUELA CITY

PROSECUTORS OFFICE

QUEZON CITY JAIL

RENANTE AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with