^

Metro

Gusali ng DILG tinangkang pasabugin

-
Ginulantang ng isang time bomb na nakalagay sa isang kahon ang tanggapan Department of Interior and Local Government (DILG) nang matagpuan ito ng isang opisyal ng pulisya na nagpapatrolya sa harap ng gusali kahapon ng umaga sa Quezon City.

Dakong alas-9 ng umaga nang namataan umano ni CPD-Traffic Sector 4 chief Supt. Hermigildo Valdez ang isang package box sa poste na nasa pagitan ng JAC Liner at DILG Building sa Francisco Gold Condominium sa panulukan ng EDSA at Malakas St. Brgy. Pinyahan ng nasabi ding lungsod.

Nilapitan ni Valdez at mga tauhan nito ang kahina-hinalang bomba kung saan tumitimbang ito ng lima hanggang 10 kilo at may tunog ng relo.

Dahil dito, agad na tumawag ng CPD Special Weapons and Tactics (SWAT) Bomb Squad si Valdez at kinurdunan ang lugar upang maiwasan ng motorista.

Nakita sa loob ng kahon ang ammonium nitrate, improvised blasting caps, detonating cord at timer

Mabilis na binalot ng lona ang kahon hanggang sa tuluyan nang idetonate ng SWAT ang bomba.

Nabatid kay SPO4 Arnulfo Franco, ang nasabing bomba ay maaari umanong magpabagsak ng gusali ng DILG.

Naniniwala naman si DILG Secretary Joey Lina, na ang paglalagay ng time bomb ay bunga na rin ng isinasagawang canvassing sa Kongreso.

Sinasamantala umano ng mga terorista ang balitaktakan ng mga kongresista sa nagaganap na canvassing at posibleng pagkaka-antala ng proklamasyon ng kung sino ang mananalong presidente at bise presidente sa Hunyo 30.

Kaugnay nito, mas lalo namang pina-igting ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon ang paglalagay ng dagdag na pulis sa mga vital installations sa MM upang maagapan ang anumang gulo dulot ng mga sindikato at terorista.

Kasalukuyan pa ring nasa red alert ang kapulisan lalu pa’t hindi tumitigil sa pagsasagawa ng mga protesta ang mga taga suporta ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP). (Ulat ni Doris Franche)

ARNULFO FRANCO

BOMB SQUAD

DIRECTOR RICARDO

DORIS FRANCHE

FRANCISCO GOLD CONDOMINIUM

HERMIGILDO VALDEZ

MALAKAS ST. BRGY

NAGKAKAISANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with