2 miyembro ng 'Harurot Gang' timbog
June 20, 2004 | 12:00am
Dalawang hinihinalang miyembro ng "Harurot Gang" ang naaresto ng mga operatiba ng Western Police District (WPD) kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Manila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Edgar dela Peña, 34, ng #1519 Eusebio St., Zamora, Pandacan at Jared Laspuna, 25, ng #56 Republic Ave., BF, Quezon City.
Lumalabas sa imbestigasyon ng WPD Station 8 na dakong alas-12 kahapon ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspect habang nagmamaneho ng isang Honda sport motorcycle na walang plaka sa kahabaan ng Nagtahan St. ng naturang lungsod.
Dahil dito kayat dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawa at nang hingan ng mga identification ang mga ito ay nakita sa kanilang pag-iingat ang mga visa card at iba pang credit card na pag-aari ng isang Salvacion Regalado, teacher at residente ng Pangasinan St., Quezon City.
Kaagad na pinuntahan ng mga awtoridad ang bahay ni Regalado at dito nila nadiskubre na hinoldap ang ginang noong Hunyo 13, dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa tapat ng bahay nito habang nag-aabang ng masasakyan papasok.
Bunsod nito kaya tuluyang inaresto at ikinulong ang dalawang suspect at sinampahan ng kaukulang kaso samantalang may hinala ang mga awtoridad na miyembro ng "scooter gang" ang mga ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest