Holdaper/killer ng pari,arestado
June 17, 2004 | 12:00am
Naaresto na ng mga awtoridad ang isa sa dalawang suspect na responsable sa panghoholdap at pagpaslang sa isang pari sa Navotas noong Sabado ng gabi.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Roger Malinao, 22, construction worker at residente ng Block 10, Sawata C-3 Road, Caloocan City.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang kasamahan nitong suspect na si Ronaldo Francisco, alyas Onad na umanoy kasalukuyang nagtatago sa Bataan.
Si Malinao ay nadakip dakong alas-6:45 ng umaga kahapon sa loob ng Aguilo Compound, Brgy. Tartaria, Silang Cavite.
Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na sa naturang lugar nagtatago ang suspect kaya agad silang nagtungo sa iniulat na lugar.
Magugunitang hinoldap at pinatay ng dalawang suspect si Rev. Romeo Asuzano sa isang tulay sa C-3 Road malapit sa boundary ng Caloocan City at Navotas.
Sa pagharap ni Malinao sa mga mamamahayag ay inamin nito ang pagpaslang sa pari. Panglabing-anim na rin umano ito sa kanilang mga nabiktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended