^

Metro

Frat war: 15 anyos patay

-
Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang tamaan ng bala ng sumpak buhat sa kalabang grupo ng fraternity, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na nagtamo ng tama sa ulo na si Eddie "Boy" Tatoy, ng Moriones St., Tondo. Malubha naman ang kanyang kapatid na si Melchor, sugatan din sina Maro Ugbao, 16; at Romeo Rabago, 33.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa panulukan ng Road 10 at Moriones St. sa Tondo, Maynila.

Ayon sa mga saksi, nagkukuwentuhan sa naturang kanto ang magbabarkada nang dumating ang mga hindi nakikilalang kabataang lalaki na armado ng sumpak.

Walang sabi-sabing pinaputukan ng mga suspect ang mga biktima ngunit nagawa namang makaganti ng kanilang mga kasamahan nang pagbabatuhin nila ang mga kaaway na mabilis na nagsitakas.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit tuluyang nasawi si Tatoy dakong alas-7 ng umaga kahapon. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

EDDIE

ISANG

MARO UGBAO

MAYNILA

MORIONES ST.

ROMEO RABAGO

TATOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with