^

Metro

3 karnaper todas sa shootout

-
Tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng bigtime carnapping syndicate ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Valenzuela Police at Traffic Management Group, kahapon ng hapon sa nasabing lungsod.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa may Kawayanan, Tatalon, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang grupo ng mga suspect matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na operasyon ng mga ito.

Kahapon ay natiyempuhan ng mga pulis na lulan ang mga suspect sa isang kulay gray na Lite-Ace na may plakang-323 na napag-alaman karnap na sasakyan.

Tinangka ng mga pulis na pahintuin ang mga suspect subalit imbes na sumuko ay pinaharurot pa ang sasakyan at sinimulang paputukan ang mga awtoridad.

Minalas na masawi ang mga ito.

Nasamsam sa mga suspect ang baril na ginamit ng mga ito sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng naghahanap na naman ng mabibiktima ang grupo ng matiyempuhan ito ng mga operatiba. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BRGY

DANILO GARCIA

KAHAPON

KAWAYANAN

LITE-ACE

MALAKI

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

VALENZUELA POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with