Tanod vs holdaper: 3 patay
June 16, 2004 | 12:00am
Tatlo katao ang namatay matapos na magpang-abot ang mga barangay tanod at mga hinihinalang holdaper kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Modesto Contawin, 48; Melencio Incierto, 60, kapwa BSDO at isang Roberto Villanueva, ng #136 Maya St., Brgy. Commonwealth, ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa Kalapati St., ng nabanggit na barangay.
Kasalukuyan umanong nagroronda ang dalawang tanod nang makatanggap ng reklamo hinggil sa naganap na panghoholdap ng tatlong hindi nakikilalang lalaki.
Tinungo ng mga tanod ang lugar kung saan doon daw nagtatakbo at nagtago ang mga suspect subalit agad silang nakorner ng mga ito (suspect) at pinaulanan ng putok ng baril.
Minalas namang tamaan ng ligaw na bala si Villanueva na nooy sumilip lamang mula sa kanyang bahay para alamin ang nangyayaring gulo sa labas.
Dahil dito, tuluyan nang nakapuga ang mga suspect na iniwang duguan at nakahandusay ang mga biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation laban sa mga salarin. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest