Nakilala ang nasawi na si Jesus Raposas, may-ari ng JM Raposas Construction Co. Inc. at residente ng Lot 10, Block 48 Malibu St., Fairview, Quezon City.
Sa isinagawang imbestigasyon, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang matagpuan sa loob ng kanyang opisina sa #1184 Benlor Bldg. Suite 101, Quezon Ave. ang duguang bangkay ng biktima.
Narekober sa lugar ang isang .9mm na baril na may mga bala at isang basyo.
Malaki ang paniwala na nagpakamatay ang biktima, gayunman wala pa ring linaw kung ano ang maaaring dahilan nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)