Presidente ng homeowners pinaslang ng nakatunggali
June 15, 2004 | 12:00am
Patay ang isang 48-anyos na security officers sa kanilang barangay makaraang pagbabarilin ito ng kanyang kapitbahay, kahapon sa Pasig City.
Patay na nang idating sa Medical City Hospital sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Juanito Cabiso, ng #13 San Juan St., Brgy. Kapitolyo Subdivision ng nabanggit na lungsod.
Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pamamaril na nakilalang si Alberto Valenzuela, 58, kapitbahay ng biktima.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa harap mismo ng gate sa nasabing subdibisyon makaraang magkita ang biktima at suspect.
Bigla na lamang bumunot ng hindi mabatid na kalibre ng baril ang suspect at pinaputukan ang biktima at saka mabilis na tumakas.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang suspect ay tumakbong presidente sa homeowners sa lugar subalit natalo. Nagtanim ito ng galit sa biktima na umanoy nagbigay ng seguridad sa nakatunggali ng suspect na siyang nanalo. Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended