^

Metro

Lider ng "Waray kidnap-for-ransom gang" timbog

-
Nalambat ng mga elemento ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang itinuturing na top leader ng ‘Waray-waray kidnap-for-ransom syndicates’ na itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa Coca-Cola executive na si Betti Chua Sy noong Nobyembre 2003 sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ni NAKTAF chief Angelo Reyes ang nasakoteng suspect na si Zosimo Lauzon, alyas Sosing na may patong sa ulo na P1 milyon.

Ayon kay Reyes, ang grupo ni Lauzon ay aktibong nag-ooperate sa NCR at Region 3 at 4 at responsable sa serye ng kidnapping sa nasabing mga lugar.

Ang nasabing Waray top leader ay dinakip pasado alas-2 ng madaling araw matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Payatas, Quezon City sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kasong kidnapping na inisyu ng Municipal Trial Court ng Jaro, Leyte.

Bukod sa pagiging mastermind sa kidnap-slay ni Sy, sangkot din ang grupo nito sa pagdukot kina Victor Castaneda noong Disyembre 2001, Imelda Bengzon noong Marso 2002, Antonio Tan noong Nobyembre 2002, Dr. Patrick Padilla noong Marso 2003, Franklin Ongsitco noong Hunyo 2003, Sang Ik Jang noong Agosto 2003, Dr. Gigi Dy at sa isang tinukoy na Chan.(Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO REYES

ANTONIO TAN

BETTI CHUA SY

DR. GIGI DY

DR. PATRICK PADILLA

FRANKLIN ONGSITCO

IMELDA BENGZON

JOY CANTOS

MARSO

MUNICIPAL TRIAL COURT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with