^

Metro

Pari nanlaban sa holdap,todas sa saksak

-
Hindi na muling makikita ng isang pari ang mga kamag-anak na malimit niyang dalawin tuwing araw ng Linggo makaraang mapatay ito ng dalawang holdaper na kanyang pinalagan, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Nakilala ng pulisya ang nasawing pari na si Rev. Romy Azusano, 48, nakatalaga sa San Lorenzo Ruis & Comp Martyrs Parish na matatagpuan sa Phase 1-C, Kaunlaran Village ng nasabing bayan. Namatay ito sa lugar na pinangyarihan ng krimen sanhi ng mga saksak na tinamo sa katawan.

Tinutugis naman ng pamunuan ng pulisya ang dalawang suspect na mabilis na tumakas dala ang wallet ng biktima na nakilalang sina Roger Malinao, alyas Yoyoy at Reynaldo Francisco, alyas Onad, kapwa residente ng Kaunlaran Village ng nabanggit na lugar.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng C-3 Road, Barangay North Bay Boulevard, Navotas.

Nabatid na sakay ang biktima sa kanyang mountain bike kung saan binisita nito ang kanyang mga kamag-anak sa Maypajo at habang tinatahak nito ang naturang lugar ay bigla na lamang hinarang ng dalawang suspect na kapwa armado ng patalim.

Ayon sa ilang saksi, mabilis na tumakbo ang pari at iniwan nito ang bisikleta subalit hinabol pa rin siya ng mga suspect at inabutan.

Kunulimbat ng mga suspect ang pera at suot nitong alahas, subalit nang makakuha ng tiyempo ang pari ay nanlaban ito kung kaya’t inundayan siya ng sunud-sunod na saksak ng mga salarin.

Mabilis na tumakas ang mga suspect at iniwang nakabulagta at duguan ang pari.

Ayon sa pulisya, sadyang inabangan ng mga adik na suspect ang biktima sa nasabing lugar dahil sa tuwing linggo itong dumadaan doon sa pagdalaw sa kanyang mga kaanak.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD

COMP MARTYRS PARISH

KAUNLARAN VILLAGE

NAVOTAS

REYNALDO FRANCISCO

ROGER MALINAO

ROMY AZUSANO

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with