Ayon kay QC Councilor Dante de Guzman, ang magandang kalidad ng edukasyon ay isa sa mga pangunahing programa ni QC Mayor Feliciano Belmonte kasabay ng kanilang adhikain na maging "quality city" ang QC.
Sinabi ni de Guzman na ang pagkakaroon ng QC University ay naglalayong magkaroon ng sariling unibersidad ang lungsod at mabigyan ng libreng edukasyon ang mga high school graduates.
Tiniyak ni de Guzman na sa pagkakaroon ng pamantasan ng QC mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mas lalo pang mapabuti ang kanilang galing at talino.
Ang pondo ng pagpapatayo ng unibersidad ay manggagaling sa budget ng city government habang patuloy pa rin ang pamamahagi nila ng application para sa libreng vocational at technical course na magsisimula sa Hulyo.
Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang livelihood programs, medical, dental at optical services at electrification projects. (Ulat ni Doris Franche)