Gasolinahan hinoldap gamit ang toy gun
June 14, 2004 | 12:00am
Nilooban ng tatlong holdaper ang isang gasolinahan gamit ang isang toy gun kung saan isa dito ang agad na nadakip ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakuha ng mga suspect ang halagang P18,500 na cash, cellphone na 5110 at isang pares ng sapatos mula sa Flying V Gasoline Station sa panulukan ng Mindanao Ave. at Gloria 5 Subdivision, Brgy. Talipapa ng nasabi ding lungsod.
Minalas naman ang isa sa mga suspect na si Allan Vargas matapos na madakip ng mga tauhan ng CPD-Station 3 at mga barangay tanod habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan na nakilala sa pangalang Jonas Mabalo at alyas Jimmy.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Constantino Isonera, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw nang biglang lapitan ng mga suspect si Romeo Santos, 25, cashier, gamit ang isang baril.
Subalit habang nilolooban ang gasolinahan, dumating ang mga tauhan ng CPD-Station 3 at barangay tanod na nakita naman ng mga suspect at naging dahilan upang makatakas ang dalawa dito at madakip si Vargas.
Sa pagsisiyasat kay Vargas nakuha dito ang ginamit na baril na nadiskubreng isang toy gun.
Nabatid na madalas umanong ginagamit ni Vargas ang laruan sa kanilang panghoholdap. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest