2 yaya kinasuhan ng abduction
June 14, 2004 | 12:00am
Kinasuhan kahapon ng isang ginang ng abduction sa Central Police District-Kamuning Station ang kanyang dalawang yaya na umanoy nagtakas sa kanyang bagong silang na sanggol kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Ang suspect na si Rosemarie Pineda, 25 ay kasalukuyang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya habang ang isa pang kasama nitong yaya na 16-anyos ay inilipat sa pangangalaga ng DSWD.
Sa pahayag ni Juanita Babiera, hindi niya nakita sa kanyang bahay sa Sampaloc Botanical Garden, Brgy. Central, Q.C. ang kanyang sanggol at dalawang yaya.
Inakala ni Babiera na namasyal lamang ang mga ito kung kayat hindi muna siya nag-alala hanggang sa umabot ang kanyang paghihintay ng madaling-araw.
Bunga nito, nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa tirahan ni Pineda sa Sta. Maria Bulacan at nakita ang sanggol at ang dalawang yaya.
Subalit sinabi naman ni Pineda na wala naman silang balak na dukutin ang sanggol . Nadala lamang nila ang sanggol sa kanilang lalawigan sa takot na masabugan ng poste ng kuryente na malapit naman sa bahay ng kanyang amo.
Hindi naman naniniwala si Babiera at sa halip ay itinuloy nito ang kaso laban sa kanyang dalawang yaya. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended