^

Metro

Ina sinaksak ng anak

-
Inaresto ang isang binata matapos nitong saksakin ang kanyang ina nang palayasin ng huli ang una, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasa ligtas namang kalagayan ang biktimang ina na si Dionisia Sultan, 39, ng Block 38, Lot 28, F-1 Sabalo St., Barangay 12 Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod, Samantala, agad namang nadakip at ipiniit ang suspect na anak na si Jovahne, 22.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng mag-ina kung saan nagtatalo ang dalawa. Napag-alaman na pinalalayas umano ng ginang ang kanyang anak dahil sa pagiging iresponsable at kawalan ng hanapbuhay kung saan sinabing pabigat lang ito sa pamilya.

Dito biglang nagdilim ang paningin ng suspect kung saan mabilis na kumuha ng patalim at saka sinugod ng saksak ang ina.

Bagamat sugatan mabilis na tumakbo palabas ng bahay ang ginang at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Agad namang nadakip ng mga sumaklolong kapitbahay ang suspect, habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang ginang. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

DIONISIA SULTAN

DITO

INARESTO

JOVAHNE

NAPAG

ROSE TAMAYO

SABALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with