^

Metro

Nabasted na binata nang-hostage ng lola at tiya

-
Kalaboso ang isang binata matapos nitong i-hostage ang kanyang lola at tiyahin makaraang hindi matanggap ng una ang pagkabigo nito sa pag-ibig, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakilala ang suspect na si Joie Calajate, 26, residente ng #169 Velasco St., Brgy. 7 ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ni PO2 Michael Viray, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng suspect sa naturang lugar.

Bago ang insidente, maghapong naglasing ang suspect dahil hindi umano nito matanggap ang pagkabigo sa babaeng nililigawan at nang malasing ay nag-umpisang manggulo sa kanilang lugar.

Ayon pa sa ulat, nang pumasok ang suspect sa kanilang bahay ay agad itong kumuha ng kutsilyo sa kusina at nang pigilan ng kanyang lola na si Gloria Ramos at tiyahing si Maria ay ito ang pinagbalingan ni Calajate.

Sinabi umano ng suspect sa dalawang hinostage na papatayin ang mga ito kapag hindi nakipag-usap sa kanya ang babaeng bumigo sa kanya.

Dahil naman sa ingay sa loob ng bahay ay nabulabog ang buong lugar hanggang sa magdatingan ang mga tauhan ng SWAT ng Caloocan City police.

Pilit na kinukumbinsi ng mga awtoridad si Calajate na pakawalan ang dalawang hostage ngunit nagmatigas ang suspect at pakakawalan lamang ang mga ito kapag nakipag-usap ang babaeng nililiyag. Dahil dito, napilitang gumawa ng aksyon ang SWAT sa pamamagitan ng pagpasok sa likurang pintuan ng bahay at nang makakuha ng tiyempo ay sinuntok sa mukha si Calajate, dahilan upang mawalan ito ng malay.

Sa himpilan ng pulisya, pilit na nakikiusap ito sa kanyang lola at tiyahin na patawarin na nang magkamalay ngunit desidido na ang dalawa na ipakulong si Calajate upang magtanda na ito. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BRGY

CALAJATE

CALOOCAN CITY

DAHIL

GLORIA RAMOS

JOIE CALAJATE

MICHAEL VIRAY

ROSE TAMAYO

VELASCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with