Buong anti-drugs unit ng Station 8 ng WPD kinasuhan ng kidnapping
June 12, 2004 | 12:00am
Sinampahan ng kasong kidnapping sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang buong anti-drugs team ng WPD-Station 8 kabilang ang kanilang station commander kaugnay sa may P1.7 milyon kidnap-extortion sa isang Fil-Chinese businessman noong nakaraang linggo.
Kabilang sa kinasuhan ay ang pitong WPD personnel at limang iba pa na hindi kinilala.
Nakilala ang mga kinasuhang pulis na sina Supt. Efren Perez, Senior Inspector Wilfredo Abordo, PO1 Sieroma Prudente at SPO1 Mendoza, PO1 Cereno, PO1 Magpayo at PO1 Baltazar. Si Perez ay una nang sinibak sa puwesto dahil sa command responsibility.
Tangi kay Perez na siyang station commander ang iba pang binanggit na pulis ay pawang miyembro ng bagong tatag na anti-drugs unit ng WPD Station 8.
Sa ulat, ang pitong mga police officers ay sangkot sa pangingidnap sa isang negosyanteng Tsinoy na si Benito Chua na kinuha sa Las Piñas kamakailan. Napalaya lamang ito makaraang magbayad ang kanyang asawa ng P1.7 milyong ransom noong Linggo. (Ulat ni Christina Mendez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest