Mensahero patay sa holdap sa Valenzuela City
June 10, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang empleyado ng employment agency matapos itong tambangan at holdapin ng dalawang di-nakikilalang suspect habang lulan ang biktima ng minamanehong sasakyan, kahapon ng tanghali sa Valenzuela City.
Namatay habang ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Joven Chan, 28, driver/messenger ng NITZ Management Janitorial Services at residente ng Block 6, Lot 1, Phase 4, Natividad Subdivision, Caloocan City. Sa ulat ng pulisya dakong alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang insidente sa tapat ng Lonesdale Merchandise na matatagpuan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, BBB Marulas, Valuenzuela City.
Kasalukuyang binabagtas ng biktima ang naturang lugar lulan sa minamanehong L-200 Mitsubishi Strada na may plakang WTH-441 nang harangin ng mga suspect sakay ng isang motorsiklong walang plaka at agad na pinaputukan.
Nang huminto ang sasakyan ng biktima ay agad na binuksan ng isa sa mga suspect ang pinto ng sasakyan at kinuha ang bag ni Chan na naglalaman ng P100,000 bago mabilis na tumakas.
Nagawa pang makalabas ng sasakyan ng biktima at pumara ng isang jeep subalit hindi ito pinansin kung saan bumulagta na lamang sa kalsada.
Dinala ito sa pagamutan ng isang nagngangalang Joselito Sanchez subalit namatay habang ito ay nilalapatan ng lunas.
Samantala, sa isinagawang follow-up operation narekober ng mga awtoridad ang mahigit sa P100,000 pinaniniwalaang kinulimbat sa biktima maging ang cal.45 baril na ginamit ng mga suspect sa may taniman sa Pineapple St. Potrero, Malabon. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended