^

Metro

Egyptian bomb maker kinasuhan

-
Sinampahan ng kasong paglabag sa Philippine Immigration laws ng Bureau of Immigration (BI) ang Egyptian bomb maker at hinihinalang konektado sa Al Qaeda terror group na naaresto noong nakaraang linggo ng mga militar sa Mindanao.

Bukod sa nasabing kaso, nakatakda ring ipatapon palabas ng bansa at ilagay sa watch list si Hassan Mostafa Bakry Ally, 44.

Ayon kay BI Associate Commissioner Arthel Caronongan, si Bakry ay naaresto noong Hunyo 2 ng pinagsanib na operatiba ng Immigration at militar sa Sitio Lintokan, Brgy. Magaslang, Datu Pinang, Maguindanao.

Si Bakry ay naaresto base sa kautusan ni BI Commissioner Alipio Fernandez dahil sa pagiging isang undesirable alien nito.

Nanatili namang nasa kustodya ng militar habang isinasailalim sa interogasyon ang suspect, samantalang katatapos lamang ng preliminary investigation nito sa immigration prosecutor.

Bukod dito, napatunayan din na si Bakry ay isang undesirable alien at konektado sa Al Qaeda terror group ni Osama bin Laden base sa nakuhang intelligence report ng BI.

Lumalabas sa interogasyon na dumating dito sa Pilipinas si Bakry noong 1990 bilang isang turista at nagtungo sa Mindanao upang magturo sa isang eskuwelahan ng mga Moslem subalit nabigo naman itong makapagpakita ng kanyang pasaporte upang patunayan na legal itong pumasok sa bansa. (Ulat ni Gemma Amargo)

AL QAEDA

ASSOCIATE COMMISSIONER ARTHEL CARONONGAN

BAKRY

BUKOD

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ

DATU PINANG

GEMMA AMARGO

HASSAN MOSTAFA BAKRY ALLY

MINDANAO

PHILIPPINE IMMIGRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with