Usisero dedo sa ligaw na bala
June 8, 2004 | 12:00am
Minalas na nasawi ang isang mechanical engineer graduate matapos itong tamaan ng ligaw na bala nang mag-usisa sa away ng kanyang mga kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa Manila Central University sanhi ng tama ng shrapnel ng sumpak sa dibdib si Joel Periano, 41, ng de Castro St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang nakakulong ang isa sa mga suspect na si Sandy Capuz, 36, welder ng Mansanas St., Bagong Barrio, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang kapitbahay nito na si Arnel Pangilinan.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:46 ng gabi sa tapat ng bahay ng pinsan ng biktima.
Nabatid na kasalukuyang nag-aaway sina Capuz at Pangilinan hanggang sa magpang-abot ang dalawa at mag-agawan ng sumpak na pag-aari ng huli.
Dito umiral ang pagiging usisero nang marinig ang ingay mula sa labas ng bahay at nang magbukas ito ng pinto ay umalingawngaw ang isang malakas na putok at aksidenteng tinamaan sa dibdib ang biktima.
Agad namang dinala sa pagamutan si Periano subalit hindi ito nakaligtas sa kamatayan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended