'Akyat-bahay' sumalakay: 3 kritikal
June 8, 2004 | 12:00am
Tatlo katao na kabilang sa isang mayamang pamilya ang malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin at pagtatagain ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na nanloob sa kanilang bahay sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Nilalapatan ng lunas sa Asian Hospital Medical Center ang mga biktimang sina Nilo Pazcoquin, 43, negosyante; ang asawa nitong si Edwina at biyenan na si Nenita Biag, 63. Ang mga biktima ay nagtamo ng maraming saksak sa kanilang mga katawan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect dala ang isang gold watch na nagkakahalaga ng P150,000, dalawang kalibre. 45 baril at isang 9mm at iba pang alahas.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mga biktima sa panulukan ng Acacia at University Sts. sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.
Nabatid na galing ang mga biktima sa isang mall at pag-uwi nila ng bahay at buksan ng kanilang katulong ang pintuan ay nandoon na sa loob ng bahay ang mga suspect.
Dito na isinagawa ng mga suspect ang pananaga at pananaksak sa mga biktima at saka sila ninakawan. Hindi naman idinamay ang katulong na hindi binanggit ang pangalan.
Isang Hyundai Van na walang plaka ang ginamit na get-away car ng mga suspect.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso, gayundin inaalam nila kung maaaring inside job ang pangyayari. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am