^

Metro

Illegal transaction sa BFP pinasisiyasat

-
Hiniling kahapon ng isang British national kay DILG Secretary Joey Lina na masusing imbestigahan ang umano’y nagaganap na illegal na transaksiyon sa pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ito’y matapos na isang Benjamin Fernandez, supplier ng fire equipment ang nagsagawa ng transaksiyon at nakapagtatakang nakapag-encash ng halagang P2,160,000 na Landbank check.

Ayon kay Aidan Eugene Tasker Lynch, may ari ng Life Support Center International (LSCI), na siyang nagdedeliver ng fire equipment sa BFP, dapat nang aksiyunan ni Lina ang katiwaliang nagaganap sa BFP.

Madalas umanong ipinagyayabang ni Fernandez ang kanyang koneksiyon sa ilang opisyal at empleyado ng DILG at BFP na siya umanong tumutulong sa kanya upang maging "smooth’ ang daloy ng transaksiyon kapalit ng halagang mula sa P5,000 hanggang P100,000.

Si Fernandez ay nahaharap sa kasong estafa at qualified theft sa Malolos Regional Trial Court matapos na ma-encash nito ang tseke sa tulong na rin ng limang pang tiwaling empleyado at opisyal ng BFP na nakalaan sa LSCI na pambayad sa biniling unit na fire equipment.

Wala umanong alam ang mag-asawang Lynch na nai-release ang tseke mula sa BFP at naideposito at napa-encash sa Far East Bank sa Bocaue, Bulacan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AIDAN EUGENE TASKER LYNCH

AYON

BENJAMIN FERNANDEZ

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DORIS FRANCHE

FAR EAST BANK

LIFE SUPPORT CENTER INTERNATIONAL

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT

SECRETARY JOEY LINA

SI FERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with