Trike driver tinodas ng mga adik
June 7, 2004 | 12:00am
Tadtad ng saksak ang isang binata makaraang maabutan at mapagtripan ng mga addict kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Quirino Memorial Medical Center ang buhay ng biktimang si Marlon Andal, 25, tricycle driver at residente ng 034 Pansol St. Brgy. Pansol, Quezon City matapos na magtamo ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat ni PO3 Romeo Tandas ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa panulukan ng Katipunan Ave. at Pansol St. sa nabanggit na lungsod.
Naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan na sina Joseph at Felipe Dizon at kaibigang si Cesar Baquiran nang bigla na lamang itong harangin ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan na lulan ng tricycle. Dalawa sa mga ito ang bumaba at may dalang patalim.
Dahil sa takot agad na tumakbo ang biktima at tatlo pang kasama nito hanggang sa habulin ito ng mga suspect na sakay ng tricycle.
Minalas na inabutan si Andal at walang sabi-sabing inundayan ito ng saksak ng mga suspect.
Masusi pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended