Mercury drug hinoldap, 1 sugatan
June 6, 2004 | 12:00am
Nilooban ng limang lalaking armado na may matataas na kalibre ng baril ang isang drug store kung saan nagpaagaw pa ang mga ito ng pera sa kalsada upang hindi makahabol ang mga rumespondeng pulis, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Hindi pa mabatid kung magkano ang natangay ng mga holdaper sa Mercury Drug General Kalentong branch kung saan ay halos umabot lang ng limang minuto ang operasyon ng mga suspect.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:55 ng umaga sa nasabing drug store na matatagpuan sa Market Place, Gen. Kalentong St. ng lungsod na ito.
Nabatid na tinutukan ng dalawa sa mga suspect ang dalawang security guard ng drug store at pagkatapos disarmahan ay ipinasok ang mga ito sa loob at pinadapa kasama ang iba pang empleyado at mga costumer.
Agad namang tinutukan ng dalawa sa suspect ang branch manager na si Cora Gulapa Ching, 42, at puwersahang pinabuksan ang vault. Nang mabuksan ay agad na nilimas ang hindi pa mabatid na halaga ng pera na inilagay sa bag.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang panghoholdap subalit bago umalis ay pinaputukan pa ng mga ito ang mga salamin ng Mercury. Nagkataon namang napadaan malapit sa insidente ang mga pulis na sina SPO3 Rodolfo Daniega at PO1 Fernandez kaya agad na rumesponde ang mga ito.
Inabutan ng mga pulis ang mga suspect kung kayat nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa tamaan ang isa sa mga ito. Kumuha naman ang isa sa mga suspect ng ilang bundle ng pera at inihagis sa kalsada, dahilan upang magkagulo ang mga tao sa pag-aagawan.
Sinamantala naman ito ng mga suspect at agad na isinakay ang sugatang kasama sa motorsiklo saka tumakas sa direksyon ng San Juan.
Nagsasagawa sa kasalukuyan ng man-hunt ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended