^

Metro

SB nagpalabas ng P5-M pautang sa maliliit na negosyo

-
May kabuuang P5 milyong pondo ang inaprubahang maipalabas ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte, Jr. upang maipautang sa may 593 small-scale entrepreneurs mula sa mahihirap na lugar sa Quezon City.

Umaabot na sa 3,500 ang kabuuang benepisyaryo ng Puhunang Pangkaunlaran ng Sikap Buhay (PPSB) program ng QC sa ilalim ng panunungkulan ni Belmonte. Sa 593 indibidwal na napautang, 433 dito ay mga bagong miyembro na pawang mula sa depressed areas sa District 2 tulad ng Batasan Hills, Commonwealth, Payatas, Sauyo, Pasong Tamo, Bagbag at Fairview.

Sa kabuuang P5 milyon non-collateral loans, P5,000 halaga ang maaaring mautang ng bagong miyembro at P10,000 sa loan renewals.

Ang kabuuang naipautang ay mula sa pondo ng mga member-participants ng National Livelihood Support Fund at sa Cooperative Rural Bank of Bulacan gayundin sa Novaliches Development Cooperative at EuroCredit Cooperative.

Sa kabuuang P5,000 utang, ang isang borrower ay kailangang magbayad ng P246 kada linggo sa loob ng 26 na linggo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BATASAN HILLS

BELMONTE

COOPERATIVE RURAL BANK OF BULACAN

NATIONAL LIVELIHOOD SUPPORT FUND

NOVALICHES DEVELOPMENT COOPERATIVE

PASONG TAMO

PUHUNANG PANGKAUNLARAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

SIKAP BUHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with