^

Metro

2 opisyal ng WPD kakasuhan ni Lanot

-
Nakatakdang magsampa ng kaso si Pasig City Congressman Henry Lanot sa dalawang opisyal ng Western Police District at mga tauhan nito makaraang marahas na buwagin ng mga ito ang isang tahimik na rally ng mga supporters ni Lanot sa isang parke ilang metro ang layo sa Commission on Election kamakailan.

Ayon kay Lanot, kasong illegal arrest, coercion at physical injuries ang isasampa nito laban kay PCP 5 Station Commander Supt. Elmer Jamias kasama ang mga tauhan nito dahil sa pambobomba ng tubig at marahas na pang-aaresto sa kanya sa kanilang ginawang protesta sa Comelec noong Miyerkules ng tanghali.

Dagdag pa ni Lanot na isasama rin niya sa demanda si WPD District Director General Pedro Bulaong dahil ito umano ang nag-utos kay Jamias na puwersahan nang buwagin ang mga rallyista.

Napag-alaman na maging si Lanot ay pinosasan ng mga tauhan ng WPD kasama ng kanyang mga supporters.

Magugunitang nagtungo ang kampo ni Lanot sa Comelec office na matatagpuan sa Intramuros, Manila noong Miyerkules upang iprotesta ang umano’y kabiguan ng poll body kaugnay sa disqualification case ni Pasig Mayor-elect Vicente Eusebio. (Ulat ni Edwin Balasa)

COMELEC

DISTRICT DIRECTOR GENERAL PEDRO BULAONG

EDWIN BALASA

ELMER JAMIAS

LANOT

MIYERKULES

PASIG CITY CONGRESSMAN HENRY LANOT

PASIG MAYOR

STATION COMMANDER SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with